Martes, Pebrero 21, 2012

BUNGKAGA IMONG NAWONG

"Magaling si Juno hah?"

Ma'am, pwede ma-flatter? Sabihan ka ba naman ng ganun habang naka-freeze ako sa gitna ng pagpapalit ng Karakters sa isang acting exercise... Medyo inangkin ko yun hah.. Yung feeling na kahit hindi kalakasan at biglaan lang ang pagkakasabi ay nilasap ko...

Isang EXXAGERATED na Araw ang Tuesday na 'to.. Nagkaroon ng kunting workshop-yawyaw tungkol sa Priniciples of Theater., mga Theories of Acting daw ni Aristotle(Mimesis at Method), Proper Blocking and Levelling Umano, at kung anu-ano pang ka-etchusan... Biglang sikat ang BIGBOY today...

Hangang-hanga ako dun sa bisitang napaunlak ng isang diskurso. In fairness, napaka-natural nyang umarte. David daw ung pangalan niya. Studyante di siya, Atenista. Pero sabi ni Ma'am kalebel niya na daw sina Pagusara at Tui.

Di naman ako "INTO ACTING" pero dahil sa klaseng yun mukhang gusto ng lumabas ng Artistang nakatago sa akin. Na-eksayt tuloy ako sa gagawin naming Play at the end of the semester. Preparasyon daw yun sabi ni Ma'am para bongga ang presentasyon tsaka epektibo daw ang performance. Di pa nga lang kami napagpangkat-pangkat. Dalawang grupo daw, isa para sa KPKK at isa para sa Paglilitis ni Mang Serapio. Sa pamamagitan ng workshop kanina, malalaman daw ni Ma'am kung paano hahatiin ni Ma'am ang mga Star sa Stage at Star sa Backstage...

"Para matunga ang mga bagag nawung.."

Masaya lang ako dahil nakita ko kung paano maging adik ang isang Christylbert Neri at kung gaano maging-high sa yosi si Sharmaine Mamaed. Matagal-tagal din ang exposure ko kanina hah? Nakaeksena ko ang iba't ibang mga kaklaseng di ko akalaing kalog pala...

Si Sharm Mepico, ang drama namin ay mga last species on earth. Ubos na ang lahi ng tao kaya't kailangan naming magpadami. Haha. FREEZE. Pumasok si Koreanong JM, napasubok ako sa Englishan. Nag-ala Tourist guide ako at nabwusit ako nang Bading pala ang gusto niyang karakter. Nasa taas na kami ng pool at gusto na sana naming tumalon at FREEZE. Si Aeryl naman, nakayakap pa sa likod ko. Anak ko daw siya at gusto niyang magpabili ng IPhone. FREEZE. Itong si Ate naman na di ko kilala, ipinapapatay ang kabit ko umanong si Marvin.FREEZE!  Ito naman si Neil. Inagaw ko daw ang GF niya. Sinagot ko namang ang GF niya ang lumapit sa akin. HAHA. Dami ko ng kaeksena. Maningil kaya ako ng TF?


Natapos ata ako sa pagpasok ni Kirt. Pinagplanuhan naming patayin si Alexis.
Ang saya ko naman at di ko na pinag-isapang hindi gawin. Haha.

WHAT AN ENRICHING EXPERIENCE!

Sa bandang huli, nagpasikat naman itong titser naming ang SUPERB pala maging BALIW na EVA.haha


Sana mautilize ang mga learnings kong ito para sa Play namin... At nawa'y mabungkag ko nga ang aking nawong...

PS:AKO SANA SI KABANGIS.:D

Biyernes, Pebrero 17, 2012

BUSERA



Tanging kumukurap-kurap na liwanag mula sa bangkang-ilawan ang tanaw ng malabnaw na paningin ng maninisid mula sa pagkakalubog sa laot. Sa kailaliman naman ay mukhang sagana ang biyaya ngayong gabi sapagkat nakakasilaw ang kakapalan ng mga isdang umiikit na parang tambyolong pilak.
Nangangalay na ang kanyang mga braso’t balikat sa kakasisid. Pababa’t  pagkatapos ng mga limang minuto ay aahon din pataas ang ulo’t  hahabol ang hininga.
Bagamat napakalamig ay hindi na ito alintana ni Badeek na mahigit kalahating oras na rin sa dagat. Mas malakas at paiba-iba ang agos kung kaya’t kinailangan ang masusing pagsubaybay sa apong. Pautakan kung sa papaanong paraan maiaahon ang tone-toneladang grasya. 
Siguro’y napagtanto na kung anong diskarte ang pinakamainam gamitin, sinenyasan niya si Oliver, ang sunog at bruskong ngunit masigasig na Maestro ng panagatan. Sumaklay si Badeek sa daydayang kawayan at doo’y nilahad ang sitwasyon sa ibaba.
“Bastante ang kabuhayan Brad”
“Mga pila istimet mo?”
“Galilo pa man ang isda. Pamatyagan ta anay.”
“Saka na dire sa taas kay birahun ta na dayon ni…PLASTAR!”
Utos ni Maestro kaya’t dali-daling nagsibangon ang mga mananagat at nagsipuntahan sa kani-kanilang pwesto. Naghahanda na sa aryada si Oliver at pinakikiramdaman ang galaw ng isda. Sa kanyang paglalakad ay hindi sinasadyang nasagi niya ang humihilik pang kasamahan.
Sarap na sarap pa sa kanyang pagkakahimbing ay tinadyakan siya ni Oliver. Kada gabi nalang tulog-mantika itong si Alfie. Sapul sa sikmura ang matinding tama kay Alfie. Naaalimpungatang tumayo ang baguhan at bago pa man makapagtanong kung ano na ang mga nagyayari ay papitik namang binigyan ulit siya ni Oliver sa bandang dibdib sabay abot ng kanyang antiparang panisid. Mabantot pa ang amoy ng natuyong laway sa mukha nitong si Alfie. Paano kasi’y nakasubo ang kanyang hinlalaki tuwing siya’y natutulog. Gising na’y hindi pa rin siya madapuan ng diwa. Takot na matamaan sa pangatlong pagkakataon, mabilis niyang isinuot ang antiparang panisid at nakapikit na lumukso una ang ulo sa dagat.
BLAGSH!
Eksaktong sa kinalalagyan ni Badeek lumagapak si Alfie. Anupa’t napukaw ang kanyang kamalayan sapagkat isang matigas na bagay ang kanyang kinabagsakan sa halip na ang tubig. Nagyeyelo sa lamig ang dagat ngunit mas iniinda ni Alfie ang sakit ng kanyang ulo habang patuloy silang dalawa sa pagdausdus pailalim.
Lubhang nasaktan si Badeek. Namula ang dagat bagamat hindi ito aninag sa taas. Matingkad naman ito sa paningin ni Alfie kaya’t sa pag-aalala’y nilapitan niya ang sugatang si Badeek.
“Choks ka lang ba?”
Yakap-yakap ni Alfie si Badeek habang nakahimlay naman ang lalake sa kanyang balikat. Damang-dama ni Alfie ang init ng katawan ng binata. Animo’y huminto ang oras nang sila’y magkasama. Tila baga ito’y pagpapatuloy ng naputol niyang panaginip.
‘Di umano’y masaya siyang namumuhay kasama ang kanyang matipunong Prinsipe sa isang malawak na kaharian ng sangkadagatan kung saan siya ang Reyna’t ang mga lamang-dagat ay tinitingala siya. Nababalot ng pagmamahalan at romansa ang kanilang pagsasama at sa panghabang-buhay ay magkapiling silang dalawa. Gagawa sila ng maraming anak attt…..
…At lumutang na ang dalawa. Nakainom ng tubig alat itong si Badeek at muntik din malunod ang ilusyadong si Alfie. Nang maliwanagan sa kanyang kinaroroonan, madaling kumawala si Badeek sa mahigpit na pagkakayapos ni Alfie. Patay-mali siyang umakyat muli sa sampana na parang walang nangyari. Agad namang sumunod si Alfie.
“UNO…DOS E ALAS…TREEEE---ESSS!!”
Umugong na ang pinaandar na makina at sa ilang sandali ay sisimulan na ang aryada. Dahan-dahan nang sinumulan ang pag- “terin- terin” upang ihawalay ang payaw sa  lipon ng isda na siyang sasabay sa ilaw ng bangkang-ilawan.
Hitik ang magiging ani. Sinisigurado ng mga mananagat na mahusay maisasagawa ang operasyong ito. Si Oliver bilang Maestro ay tutok na tutok. Walang ibang iniisip kundi ang epektibong paraan ng paghuli ng  mga isdang ito. Sa isip niya’y naglalaro ang nakakalulang dami ng tumatalamsik na Galunggong at banye-banyerang Matambaka.  Mapapakain niya na ang kanyang mga anak at gayun din ang mga anak ng kanyang mga kasamahan. Maya-maya’y titingin sa ilaw, at mamya’y sa galaw ng tubig at mamya’y sa kanyang mga tauhan naman..
Handa na ang lahat…
“ARYA!!!!”
Bumuga ang usok mula sa tambutsong konektado sa makinang humahataw. Kumaripas ng takbo ang sampana at rumaragasa ang alon sa bandang puwetan kung saan ang elisi ay nagpapakitang gilas na din.
Gumihit ng perpektong bilog ang tinahak na ruta na pinaglagakan ng dakilang lambat na nagmistulang  lumulutang na rosaryo. Pinagtagpi-tagping daliri ang lambat na bumabalangkas ng mga dibuhong ekis na humahati sa panatag na dagat. Patitikmin lang ng kunting alat, padadaanin lang sandali sa basang tubig at agad ding paangatin. Pag-angat minsa’y may dalang isda, minsan din ay wla.
Maliksing hinila pataas ang lambat at may panaka-nakang Matambakang nabigong tumakas at naipit sa mata ng lambat. Kulong sa gitna ang isda at pinagmamadali ni Maestro ang mga mananagat. Mas mainam kung matatapos agad ang trabaho bago sumikat ang Haring Araw.
Abalang abala ang lahat ngunit hindi itong magkapares na maninisid na sina Alfie at Badeek. Sa gitna ng maingay ngunit determinadong pagbabanat ng buto ng nakararami ay tahimik namang iniinda ni Badeek ang kanyang punit sa bandang kaliwang anit. Hindi naman kalakihan ang sugat ngunit talaga namang napakahapdi. Banaag sa kabalintunaan ng karakas ni Badeek ang pinagdadaanan nito. Marahil dahil sa asin na nasa dagat ay mas kumikirot ang sugat.
Astang barako, nilapitan ni Alfie ang kasamahang nagpapakasakit. Tinapik ni Alfie sa may balikat si Badeek at sinindihan pa siya ng yosi. Puno ng dugo ang malong ng binatang ipinantabon niya upang tumila ang daloy.
“Sakit pa Brad? Ti, nga daw gahibi ka haw? Mahina eh!”
Nagtitimpi lamang si Badeek. Gustong gusto na niyang gantihan ang Mokong ngunit alam niyang magkakagulo lang lalo na’t ang isda ay malapit nang mahuli.
“Wala hibiay ah!”, pabalang na hamon ni Alfie kay Badeek.
Ngunit nang muling magtagpo ang kanilang mata’y natangay na ng paghihiganti si Badeek. Hinugot niya ang malong at ipinulupot ito sa leeg ni Alfie. Nanlaban si Alfie ngunit sadyang malakas ang lalaking si Badeek. Nagsisigaw na sa pagmamaka-awa si Alfie. Kawawa…Nangingitim na.
Napansin ni Oliver ang ingay sa may looban at natagpuan ang away na nagaganap. Nasa punto na ng pagkakapatay ng isda sa lambat ng iniwanan ito ni Oliver para pigilan naman ang aktong pagkakapatay ni Badeek kay Alfie. Dinakma niya sa likuran ang dalawa na para bang isang sentinyador na hinahawakan ang mga panabong na tandang. Nag-uusok sa galit ang Maestro at sa matinding pagkakairita ay tinapon na lamang ito sa dagat upang matahimikan.
Dagling bumalik si Oliver sa trabahong malapit ng matapos. Naubos nang hilain ang taling magsasara sa lambat. Wala nang kawala ang isda at nanlilisik na ang mata ng mga mananagat. Sabik sa isang napakalaking huli. Inaangat na ang lambat na punong-puno ng Bariles, Matambaka, Tulingan at Kabalyas. Napakabigat. Napadami. Dahan-dahan. Dahan-dahan…
BANG!
Napatid ang lubid sa ibaba at napunit ang lambat dahil sa ‘di makayanang bigat ng isda. Nabuhos pabalik sa dagat ang mga isdang nakawala’t bumulusok sa iba-ibang direksyon. Nakatakas ang huli. Walang natira kundi ang kakarampot na Galunggong na di pa nga napuno ang isang batya. Ang sana’y saganang ani ay nauwi sa wala. Pera na, naging bato pa.
Nanghihinayang si Oliver, maging yaong mga humila ng lambat.
Titig na ang araw at nakikita na ang lupain. Prusisyon sa bagal ang gapang ng sampana papunta sa sunod na aaryahan. Pinaglahuan ng sigla ang kani-kanina’y ganadong mga mananagat. Sariwa pa sa alaala ang masakalap nilang kapalaran na tigib ng paghihinayang. Kung mas pinagtuunan sana ng pansin ni Oliver ang trabaho ay marahil nagsasaya sila ngayon. Kung bakit pa kasi umeksena ang dalawang ungas. Napariwara tuloy ang buhay ngayong araw. Malas!
Ang dating mala-pyestang agahan tuwing umaga, kung saan maligayang pinagsasaluhan ang langhap-sarap na sabaw ng Matambaka at nagmamantikang sinugbang Bariles, ngayon ay nakakabinging katahimikan ang nangingibabaw. Sa bawat plato noo’y gabundok ang laman, tinipid na kanin na lamang ang nakahain ngayon. Kutsara ng mananagat ang pasmadong mga kamay at ulam nila’y pinaglumaang daing at ginisang sardinas. Mangingisda nga sila’y huli naman ng iba ang bumubusog sa kanilang sikmura.
Samantalang pilit na nilulunok ng mga kasamahan ang kinuriputang pagkain, sarap na sarap namang nilalasap ni Alfie ang bawat butil ng kanin at hati ng isda. Sa katotohanan ay kulang talaga ang pagkain ngunit para sa kanya ay sobra-sobra na. Yaon pala’y inuulam niya na din sa tingin ang pinagpapawisang katawan ni Badeek. Busog na busog siya sa pagpapantasya sa bato-batong hubog ng binata na kumakain din sa harap niya. Bawat subo ni Badeek, sa isip ni Alfie ay kanyang nginumnguya. Tuwing lulunok naman si Badeek ay parang kinakalabit ang tagiliran niya. Tunay ngang naliligayahan si Alfie at bahagyang napatawa. Napansin na siya ni Badeek na naglalaway na para bang may kinalilibugan. Naririnding lumayo sa paningin ni Alfie ang binata. Pakiming ngumiti si Alfie at tinapos ang paghigop sa malagkit na sabaw.
            Matapos ng makagpahinga ng saglit ay kinailangang tahiing paunti-unti ang butas sa lambat sapagkat isang madugong operasyon na naman ang magaganap kinagabihan. Pinaghahanap ni Oliver ang sinulid at iba pang gamit panahi sa lambat. Wala ito sa dating pinagkaka-ipitan sa bandang Altar ng sampana. Hinalughug niya pati ang kasuluk-sulukang maaring pagtaguan ng mga ganong bagay.
May nadakma si Oliver na isang pulang karton. Naglalaman itong ng kung anu-anung mga pampaganda tulad ng suklay, pulbos na nakapangalang ‘Lewis and Pearl’ at mga paketeng pampaputi na may nakasulat na ‘Ponds’. Idagdag pa ang salaming biluhaba na narungisan ng mga pulang marka ng lipstick. Hindi pangkaraniwan ang naramdaman ni Oliver ng mga sandaling ‘yun. Asawa lamang ni Oliver ang kilala niyang may ganito Nagtataka siya’t nagtatanong.
“Sin-o tig-iya sini?!”, bulong ni Oliver sa sarili.
 Sa bandang baba ng karton ay may nadikit na pangalan, “FIFI”.
Di na masyadong pinagtuunan ng pansin ni Oliver ang bagay na natagpuan sapagkat mas malaking problema ang dapat asikasuhin. Pinangunahan ni Oliver ang pagkukumpuni ng nadisgrasyang lambat. Kay laki ng naging pinsala sa lambat na hindi kakayaning masarado ang butas sa loob ng isang araw. Gayunpaman, tuloy parin ang laban. Bawat tusok papasok at palabas ng mga karayom sa mga mata ng lambat ay isinasagawa ng may pag-asa’t katuparan ng pangarap.  Mapapansing determinadong bumawi si Oliver at sa pagkakataong ito, panalangin ng lahat na magtagumpay na.
Buong maghapon ay pagtatahi lamang ng lambat ang inatupag ng halos lahat ng mga kasama sa panagatan maliban sa mga taong nakatalaga sa makina ng bangkang-ilawan na sa halip maghigpit ng turnilyo at sinigurado ang kondisyon ng kanilang alaga ay namamasol nalang sa payaw na iilawan.
Hindi namalayang lumipas na ang labing dalawang oras na walang usapan ni kibuan.
Parang kandilang nauupos ang malumanay na paglubog ng araw. Nangungulimlim na’t walang ningning ang buwan. Ni bitui’y hindi kinakitaan ng kislap. Mas mainam tuwing madilim sapagkat mas mas madaling maiipon ang isda. Sinakop ng matinding karimlan ang langit at ang karagatan.
 Pinaandar na ang mga ilaw sa bangkang-ilawan na siyang bumasag sa panandaliang kawalan ng liwanag.  Sa isang iglap pagkailaw, bumulusok pagitna ang makapal na apong.  Dinig maging sa malayo ang talsik ng maliksing pagtatampisaw ng lipon ng mga isda. Pinaglalaruan nila ang liwanag na tumatagos sa dagat mula sa bombilya ng bangkang-ilawan. Aliw na aliw sila sa sinag na para bang naghahamong hulihin sila ng mananagat. Mas kagimbal-gimbal ang dami! Gintong pagkakataon na ulit ang siyang lumalapit.
Habang tulog ang karamihan upang makaipon ng lakas, milagro namang gising at kanina pa nakikipaglanguyan sa mga piling ng mga isda si Alfie. Nauna na siyang sumisid kaysa kay Badeek. Takot na siyang masabunan kaya’t lumusong na bago pa man makapagsindi ang bangkang-ilawan. Minabuti niyang magpalipas ng tagong sandali sa dagat.
Pagkailaw ay nasilaw siya hindi dahil sa bombilya sa itaas kundi dahil sa kinang ng nagsilabasang pinilakang lipon ng isda. Iniiwasan niyang huwag masyadong lumapit sa kanila nang hindi mabulabog. Nadinig niya ang musika ng mga isdang umawit ng kaligayahan. Mala-balirina siyang sumirko-sirko sa saliw ng awitin.  Sinasabayan siya ng isda na mistulang sumasayaw sa indak ng pahampas-hampas na alon.
Sa unang pagkakataon ay naramdaman ni Alfie ang pagiging tanggap. Malaya siya sa piling ng mga isda. Hinubad niya ang suot niyang antiparang panisid at isinablay sa may leeg. Buong pagmamalaking niyang ipinamalas ang kagandahan niyang angkin. Pinakawalan niya ang tunay niyang pagkatao. Nagpakalupasay siya’t nilasap ang tamis ng katotohanan. Walang pagkukunwari. Walang pagpipigil. Inaangkin niya ang sandaling siya ay siya. BABAENG BABAE.
Naputol ang mahiwagang sandali ni Fifi nang sa ‘di kalayuan ay may lumukso. Nagtaboy at nagsi-alisan ang mga isda sa kanyang paligid. Ang mga puting bula na nabuo sa kanyang pagkakabulusok ay nagmistulang kaliskis sa mahubog na pangagatawan ng lalaking nakatawag pansin kay Fifi.
Sa unang tingin ni Fifi, ang lalaki ay isang Sirenong hulog ng langit para kumpletuhin ang kanyang pagka-babae. Unti-unting naglaho ang mga bula at naliwanagan ni Fifi na ang inakala niyang Sireno ay walang iba kundi si Badaeek. Naglaladlad na lang rin naman si Fifi, naglakas loob na siyang magtapat ng tunay na nararamdaman kay Badeek. Nakapagpalakas pa ng kanyang loob ang sitwasyong sila ay nasa dagat-ang kanyang tahanan.
Anupa’t nagkaharap na nga silang dalawa.
“Alfie??”
 Litaw ang ulo’t nakalubog naman mula leeg pababa. Nagtagpo ang kanilang mata. Hinawakan ni Fifi ang magaspang na kamay ni Badeek. Huminga siya ng malalim at hinawi ang lalamunan.
“Bal-an mo Badeek…Dugay ko na gusto hambalun ini….--.”
“UNO…DOS E ALAS…TREEEE---ESSS!!”
Umugong na ang pinaandar na makina at sa ilang sandali ay sisimulan na ang aryada. Dahan-dahan nang sinumulan ang pag- “terin- terin” upang ihawalay ang payaw sa  lipon ng isda na siyang sasabay sa ilaw ng bangkang-ilawan.
Hindi naman pinahintulutan ng pagkakataon ang pagtatapat ni Fifi. Kinailangan nilang magmadaling umakyat sa sampana at kung hindi ay maiiwan silang dalawa. Sa tulin ng kanilang paglangoy ay nakuha pang isipin ni Fifi na ito’y isang karerang siya’y naghahabol sa kanyang pag-ibig na si Badeek. Tyempo namang kakaakyat lang ng dalawa bago rumatsada ang sampana.  
“ARYA!!!!”
Bumuga ang usok mula sa tambutsong konektado sa makinang humahataw. Kumaripas ng takbo ang sampana at rumaragasa ang alon sa bandang puwetan kung saan ang elisi ay nagpapakitang gilas na din. Gumihit ng perpektong bilog ang tinahak na ruta na pinaglagakan ng dakilang lambat na nagmistulang lumulutang na rosaryo. Pinagtagpi-tagping daliri ang lambat na bumabalangkas ng mga dibuhong ekis na humahati sa panatag na dagat. Patitikmin lang ng kunting alat, padadaanin lang sandal sa basang tubig at agad ding paangatin. Pag-angat minsa’y may dalang isda, minsan din ay wla.
Tulad nang naunang aryada, ganadong ganado ang mga mananagat. Bigay-todo sila sa paghila ng lambat. Nanlilisik muli ang mata ni Oliver at ang katuparan ng isang grandiyosong huli ay malapit nang makamtan. Malimit na ang Matambakang nabigong tumakas at naiipit sa mata ng lambat.  Kulong sa gitna ang isda at pinagmamadali ni Maestro ang mga humihila.
“BIRA!”
Bumilis at lumakas pa ang paghila ng mga mananagat sa lambat. Maging si Alfie ay tumulong na rin sa trabaho. Tumabi pa siya sa kinalalagyan ni Oliver para mapakitang may maibubuga din siya. Ngunit sadyang mabigat ang gawaing paghila ng lambat pataas kaya’t di maipakakailang nahihirapan na si Alfie. Habang tumatagal ay lumalambot na si Alfie at nagsimulang pumilantik ang kanyang kamay. Hingal-babae si Alfie at likod ng palad ang ginagamit niya tuwing magpupunas ng pawis. Ilang hagod nalang at tapos na ang trabaho at magtatagumpay na.
Walang anu-anu’y NAMATAY  ANG ILAW mula sa bangkang-ilawan…Nabulag sa kadiliman ang lahat!  Walang anumang makikita. 
“Ipagawas ang flashlight! PADAYON kamu dah!”, utos ng Maestro.
Bilang pinakamalapit kay Oliver,si Alfie ang lalamya-lamyang tumakbo para sa flashlight. Kinuha ito at agad inabot kay Oliver. Pagkakuha ng flashlight ay dagling pinailaw at itinutok sa lambat.
Huli na ang lahat. Umaapaw na palabas ang isda na dumaan sa lumubog na pampalutang ng lambat. Tinangka pang maisalba ang sitwasyon ngunit sadyang huli na ang lahat. Oonga’t naiangat ng tuluyan ng lambat ngunit ang laman ay kaunti pa sa nakaraang gabi.
Nag-aapoy sa poot ang Maestro sa muling kapalpakan. Nagsisisigaw sa masidhing paghihinayang si Oliver. Pinagsususuntok niya ang dingding ng looban at nalaglag ang pulang karton. Kumalat ang mga bagay na nasa loob nito. Napahinto si Oliver. Dinampot niyang lahat at lumapit sa kinatatayuan ni Alfie. Hinigpitan niya ang kapit sa pulang karton hanggang sa mabiyak ang biluhabang salamin. Nagdurugo na ang kanang palad ni Maestro samantalang sa kaliwa naman ay mas mahigpit ang kapit nito sa buhok ni Alfie. Inararo niya’t ipinakita ang kalunos-lunos na si Alfie sa lahat ng nasa sampan sabay sigaw…
“BAWAL ANG BAYOT DIRE ALFIE!”
“FIFI akon pangalan!!”
Nilampaso ni Oliver ang mukha ni Fifi sa lambat. Litanya ng pambubugbog ang tinamasa ng kaawa-awang si Fifi. Isang brutal na pananakit ang ginagawa ni Oliver, na ang mga mananagat maging si Badeek ay walang magawa kundi ang kahabagan si Fifi. Nang makontento’t napagod ay tumigil din si Oliver.
Duguan ang mukha at baldado ang katawan ni Fifa matapos ang kalbaryo ngunit hindi natinag ang kaluluwa’t tumibay pang higit ang pagkatao niya. Kalmado itong tumayo sa kanyang paa at hindi nagpakita ng anumang panlalaban o pagsisisi si Fifi. Kinimkim niyang lahat ng hapis at inipon ang kanyang mga gamit at isa-isang isinilid sa pulang karton. Sa leeg niya’y hinubad ang antiparang panisid at puno ng dignidad na inilatag sa paanan ni Maestro.
Sabog man ang mata’y tinitigan niya isa-isa ang mga kasamahang mananagat. Pagkatanaw kay Badeek ay pumatak ang isang butil ng luha ni Fifi. Hanggang humagulgol na nga si Fina sa isang matinis at pinong paraan.
Tumapat siya sa daydayang kawayan sa bandang gilid nga sampana. Huminga ng malamim at sumisid una ang ulo. Sa dagat ay naghalo ang kanyang luha sa tubig alat.


                                                                                                            Juno Marteen Vegas
            BSA-2A
January 26, 2012

Linggo, Pebrero 12, 2012

Pakighimamat

I am the community and charity is within me.
Belonging to the youth sector, I actively engage in the Sangguniang Kabataan(S.K), the youth governing body of the Philippines. I and my colleagues in the S.K. organize yearly sports, literary and musical contests named Pasikateen for all the youth of our municipality to actively participate thereby, developing their skills and potentials.  We also sponsor leadership and values formation seminars in the light that the youth is the hope of our fatherland.
Our country also requires students to take up Civil Welfare Training Service course in which we undergo lectures on social justice based on Christian Values of Preferential Option for the Poor. During field immersions with our adopted communities, we apply these understandings through actually living with the masses, experiencing the reality of poverty, hunger and a system of injustice social ills. With ample time spent with them, we got to listen to their hopeful voices which inspires me extend a helping hand. 

VISIONARY

I see myself in blooming into the corporate world of business. Right after graduation, I’d land in a job with high compensation. I’ll enter into a multi-national company or a large auditing firm. My boss would regard me as a good new-comer where I’ll impress him and get an early promotion. I’ll easily fit in the system and I’ll make an excellent company head.
 I’ll get busy with all the paper works and usual business correspondence.  I’ll experience mind-boggling accounting problems. I’ll get a taste of actual accountant life. Preparing actual financial statements and performing actual auditing are some of the things I’m looking forward to.
 The sights and sounds of the working area will take its toll on me but I’ll make my own noise as well.  I’ll be in my black elegant tuxedo seated in my desk where I’ll savour each moment of being a professional. I will have to attend corporate meetings and bring new innovative ideas to the table. I’ll be travelling more for several meetings with international partners and foreign investors.
I’ll be the figurehead of the firm and make crucial decisions. I’ll be a trouble-shooter when internal business conflict occurs. Above all, I’ll leave a living legacy of an honest, customer-oriented and socially-responsible company.
After having my fair share of the money world, I’ll expand my scope of service and leadership. I’ve seen what kind of political system we have in our country. Genuine change could only be achieved by a change of mindset of the people. Then, here comes the role of the youth like me, equipped with fresh and unstained intentions of bringing back the glory to our Nation.
 Philippine politics will make its way for the advent of a new-breed of leader that is me. I’ll be one transformational leader whose mandate hails from the people and whose services go directly to the people. I’ll have an administration characterized by a corrupt-free government and economic progress.  I’ll apply the principal lesson of accounting which is balance through transparent government transactions by enforcing the rule of law and the principle of checks and balances.   
Specifically in our local political arena, I would like to bring Lebak to its Golden Era. I’ve been born, I’ve grown and I’ve live in my hometown. She never failed to amaze me of her beauty and splendour. I’m in awe of its great potential, the diversity of its people, and its rich natural bounty. I humbly accept the challenge of bringing all of this into optimum utilization for a state of grandeur to be achieved where people from different walks of life live together in harmony and where living is just abundant and peaceful. It will be an epic boom and all the glory will be for God and for the People.
Too idealistic and ambitious these may seem, but all these are indeed possible. I have people who are committed to be part of this success who also believe in my capacity.  I dream because I achieve.

Ritchie Jennings Scholar...

               Upon knowing all about Ritchie-Jennings Memorial Scholarship, I knew in my heart that this is indeed for me.
               There is no doubt in my mind that I meet all requirements of this college grant. My scholastic records prove my strong qualification to the scholarship. My educational formation affirms my suitability to what the scholarship searches. Most importantly, I firmly stand by values as an individual and a creation of God which I do believe shall live out the principles upheld by the Ritchie-Jennings Scholarship Foundation.
               I am person living by the principles of justice and equality. I have moral righteousness based on ethics, rationality and natural and religious law. Give what is due to whom it is due. An eye is for an eye; a tooth is for a tooth. Every action must have its corresponding response. Good things deserve rewards and bad things otherwise. All are of the same footing and no one is above the other. Rights and privileges as enjoyed by one should not be deprived to another. In the same way, responsibilities and obligations must be a concern of all. I ask that the law be implemented and that justice be served to all people, rich or poor.
               The virtues of charity and benevolence are integral to my personality. I find delight in showing unlimited loving kindness towards others voluntarily. It’s such a pleasure when I generously extend a helping hand to those in need. My help ranges from emotional, intellectual and financial help. Regardless of form, I see to it that it will reach the farthest corner of the world specially the poor. I am a person for others.
               I greatly value transparency in my words and deeds. Accountability is the name of my game. Truth has indeed set me free. In every pursuit I embark, I always make things clear and do my job honestly. I seek for what has been proven true and scrutinize why such things are true. Deception for me is a sin that’s why I want that facts, either good or bad, be presented with adequate disclosure. I love to inquire, contrast and verify. The word that fuels me to learn is “Why?” and “How?”
               I always strive for more and never settle for less. I am for excellence and mediocrity is not in my vocabulary. I challenge myself to be a better person by continuously learning.
               With all this within me, I can honestly say that I deserve the scholarship. Ritchie-Jennings is definitely the completing piece of what will be a majestic puzzle!
               I’m just 18 and I got lots of promising years to come. I have infinity of opportunities and Ritchie-Jennings is the greatest of them all. With high spirits, I eagerly want to seize this glorious moment as my own.
                I’m quite overwhelmed with the thought of how life-changing this scholarship would be. Isn’t it so amazing? But what’s more amazing is the fact that I can, I should and I will actually be a Ritchie-Jennings Scholar. 

How would a friend describe me?

My self-image from friends is a mirror to reflect upon as I continue to strive to become a better person in relation to persons I hold special in my life.
My friends know my attitude as somebody who is always there in good times and bad. They would rather regard me more of being loyal than just being friendly. More than just being welcoming, I am more accepting. I’m trustworthy and benevolent-hearted, they say. I value the person over the relationship that exists that is friendship.
They remember me as a positive transformational friend, pointing at me as the reason why they had got out of their comfort zones and widen their horizons. They like it when I sensitively listen through and beyond their expressions. They say that my advices are sometimes didactic in a way yet, so enlightening and enriching.
Curious of how my most-cherished friend would describe me, I dared to ask him the question. His honest answer was, “Juno is a conscientious worth-dying friend whose contagious smile makes me happy. He deserves of all respect and he will cross oceans to reach you…”
I’m honoured that I touched lives of special friends who also touched mine.