`Yan na din ang deskripsyon sa akin ng isang kaibigang babae...(matapos ang nangyari). Nakakabigla. Di ako makapaniwala. Kilala ko ang sarili ko at alam kong hindi ako pa-fall. Minsan lang ako magmahal pero tapat at dalisay. Ngunit nakakapagpabagabag sa aking isipan ang mga sinabi niya. Napa-reflect ako ng hindi oras. Sandaling nanahimik at tinanong ang sarili, "Pa-Fall ba talaga ako"?
Hmmmmmm... Sadly the answer is "YES". Tama siya... Noon hindi, pero ngayon marahil, I became one. Unconsciouly, I turned into this guy who extends extra-friendliness to gals, making the gals fall, but with no real intentions of having committed relationship. Self-serving na kung self-serving. Pakapalan nalang ng mukha, pero talagang ganun ang mga nangyari sa aking recent affairs. Ngayon ko lang din napagtanto na suddenly, pa-fall na nga ako.
Mali.Mali ito. Ibig sabihin nito, paasa na rin ako. Pag paasa ako, wala akong isang salita. Pag walang isang salita ang tao, walang prinsipyo. Ayaw ko naman maging ganito. Sino ba namang matinong lalaki ang may gusto? Oo, playboy ako..Pero dati, once na may naging karelasyon ako, seryoso naman ako. Hindi ko kino-consider na relasyon yung mga hindi ko mahal pero naging kami. "Fling-fling yung tawag ko dun. Tsaka pinagsasabay ko man, totoo namang mahalaga silang dalawa(or 3):]
Tila yata nag-iba ang ihip ng hangin nitong mga nakaraang panahon. Ang buhay pag-ibig ko nitong mga huling taon ko, lalo na ngayong kolehiyo ay salungat sa aking mga paninindigan pagdating sa pakikitungo sa mga espesyal na tao. Para bang umikot ng 360 degrees ang mga bagay-bagay at nawalan ng sigla at romansa ang aking puso.
ZERO. Numero ng lovelife ko. Hindi naman ganito dati. Karma siguro. Matagal-tagal na rin akong nakaramdam ng lehitimong kilig. Tagtuyot. At hindi maiiwasang maghanap ang puso. May mangilan-ngilan din akong nakikita paminsan-minsan sa kung saan. Mga babaeng karapat-dapat namang ibigin. Maganda. Sexy. Matatalino. Natitipuhan ko naman. Gusto kung gusto pero hindi ko makuhang mahalin gamit ang totoong depinisyon ng pagmamahal.
Kaya sa mga panahong hinog na ang pagsasama at umaasa na sila, saka naman ako bibitaw at sila'y maiiwan. Ito ang nakikita kong dahilan ng aking transpormasyon bilang isang lalaking pa-fall. Mababaw lamang ang rason na ito ngunit hindi sapat na paliwanag kung bakit nagiging ganito ako lately.
Ang totoo nito, NAKATALI ako sa aking NAKARAANG PAG-IBIG. Akala ko nakapagmove-on na ako pero ang totoo'y hindi pa pala. Hindi ko naproseso sa sarili ko ang aming paghihiwalay, na kami ay hindi talaga para sa isa't isa, at ang katotohanang kahit anong gawin ko ay hindi na kami magkakabalikan pa. Napako ako sa masayang pangako ng "Forever". Umaasa pala akong maipipilit pa kahit alam kong wala na. Ako kasi yung tipo ng tao na ayaw ipakitang nasasaktan at laging ipinapakita sa lahat na ako'y matatag at hindi natitinag. Siya lang kasi ang pinakaminahal ko sa lahat ng naging ex's ko. OA lang. Sa mga panahon, marami akong babaeng tinaggihan at pinaasa, ay siya parin pala ang hinahanap ko. Tinikis kong lahat para sa maling babae, maling pagkakataon at maling panahon.
Nagkamali lang ako sa labis na pagmamahal sa kanya na hanggang sa ngayon, takot akong umibig ng iba. Nalimutan ng puso ko na sandamakmak na babae sa mundo ang naghihintay sa akin na maari kong mahalin at muling magpasaya sa akin. Ang epekto nito sa akin ay negatibo na siya naman ngayong nagiging tunay na dahilan ng aking pagiging pa-fall. Hindi ko magawang pumasok sa panibagong relasyon kasi siya parin ang pala hinahanap ko. Ang resulta ngayon sa akin sanang iibigin ay ang kalungkutan ng isang iniwanan.
Masakit na katotohanang nagaganap sa aking pagkatao ngayon. Haha. I bet my alter ego is laughing the hell out of me right now. The irony of things stabs me right at my heart. The one who is suppose to be the strongest guy alive now cries over a long lost love and desperately seeks for redemption. Maybe it's just fate, maybe its just me. It's not that I'm a heart breaker, it's just that somebody broke my heart first...
Dapat ko itong paglabanan at nang sa gano'y maging mas mabuting tao ako sa emosyonal na aspeto ng aking buhay Hangga't hindi ko natutunan tanggapin ang mga bagay-bagay ukol sa pag-ibig, na hindi lahat ng mahal ko'y mamahalin ka din, hindi ako magiging mas buong taong nagmamahal.
I HAVE TO LEARN HOW TO LOVE MYSELF MORE. I DESERVE TO LOVE and TO BE LOVED. I still believe that someone was prepared by God for me and exclusively for me. Now I fear not to love the way I'm capable of loving truly and genuinely with all my heart free of past hurts and failures.
Sa libu-libong taong sa mundo, ang tibok nitong puso ko'y may naghihintay na katugon.
Spread the love...
PS: Pero, eskwela anay ko. :]
Hope the EX's and near EX's
and future love affairs read this and understand
my part,especially you SMM...